Manila, Philippines – Nagpasiklab ng 44 points ang Houston Rockets sa second quarter pa lamang para makontrol ang laro at maitala ang 115-103 na panalo kontra Indiana Pacers sa NBA.
Isinantabi muna ng Rockets ang masalimuot na usapin kung bibitawan na ba nila o hindi si Carmelo Anthony para talunin ang Pacers.
Umiskor ng 40 points si James Harden para dalhin ang Rockets sa kumbinsidong panalo.
Samantala, sinupalpal ni Tyson Chandler ang lay-up attempt ni Trae Young para maselyuhan ang 107-106 na panalo ng Los Angeles Lakers kontra Atlanta Hawks.
Dikitan ang laban at nakuha lamang ng Lakers ang abante sa putback dunk ni LeBron James sa huling 15.1 seconds ng laro.
Facebook Comments