NBA | 5-game winning streak ng Timberwolves, tinapos ng Orlando Magic

NBA – Tinuldukan ng Orlando Magic ang five-game winning streak ng Minnesota Timberwolves, 108-102.
Bumida sa panalo si Evan Fournier sa kanyang season-high 32 points habang nakapag-ambag ng 18 points si DJ Augustin.
Sa biyeres, sunod na dadayuhin ng Timberwolves ang Houston habang makakasagupa naman ng Magic ang Cleveland Cavaliers.
Sa ibang laro, pinangunahan ng 45 big points ni Anthony Davis ang overtime win ng New Orleans Pelicans kontra Boston Celtics, 116-113.
Inilampaso naman ng Denver Nuggets ang Dallas Mavericks, 105-102 habang tinapos na rin ng Portland Trail Blazers ang kanilang three-game losing streak kontra Phoenix Suns.

Facebook Comments