NBA – Sinalpak ni Lebron James ang go ahead basket mula sa pasa ni Kyrie Irving para pangunahan ang Team LeBron sa 148-145 na panalo kontra Team Stephen sa All Star Game sa Staples Center sa Los Angeles, California.
Hindi katulad ng nakasanayang mga All Star Games, dikit ang laban at seryoso ang mga player sa laro.
May pagkakataon pa sana ang Team Stephen pero isang matinding depensa ang inilatag ng Team LeBron sa huling 20 segundo ng game para maitakas ang panalo.
Umiskor si James ng 29 points, 10 rebounds at walong assists para tanghaling Most Valuable Player ng All Star Game.
Ito ang ikatlong MVP trophy ng Cleveland Cavalier superstar sa All Star Classic ng liga.
Facebook Comments