NBA – Wala pa din inilalabas na statement ang Golden State Warriors kung makakapaglaro nang muli ang itinuturing na “Top Defender” ng kanilang koponan na si Andre Iguodala.
Nabatid kasi na hindi pa daw matiyak ng Warriors kung kaya na bang sumabak uli ni Iguodala sa laro dahil nagpapagaling pa ito mula sa injury sa kanyang kaliwang tuhod.
Ayon kay Coach Steve Kerr, mismong ang 2015 finals MVP na si Iguodala ang nagsabing babalik raw ito sakaling wala nang maramdamang sakit habang tumatakbo.
Sinasabing malaki ang maitutulong ni Iguodala sa matchup nila ng Cleveland Cavaliers sapagkat puwede raw itong ipangtapat kay LeBron James.
Facebook Comments