NBA | Austin Rivers ipinagpalit ng LA Clippers kay Marcin Gortat ng Wizards

Nag-umpisa na ang ang rigodon ng mga player sa NBA bilang paghahanda sa muling pagbubukas ng liga sa Oktubre.

Ipinadala ng Los Angeles Clippers ang kanilang point guard na si Austin Rivers sa Washington Wizards kapalit ng sentrong si Marcin Gortat.

May isang taon at $13.6M na sahod na natitira si Gortat sa kaniyang kontrata habang may $12.7M naman si Rivers na magiging free-agent sa 2019.


Dahil sa pagdating ni Gortat sa Clippers, asahan na gagawin lahat ng Clippers na-maitrade din si big man DeAndre Jordan.

Ayon sa mga ulat nangunguna sa posibleng destinasyon nito ay ang Dallas Mavericks.

Matatandaan na unang nagkasundo ang Dallas at si Jordan na lilipat ito sa koponan noong 2015 pero hindi ito natuloy dahil nagbago ang isip nito mamalagi sa Clippers.

Facebook Comments