NBA | Blake Griffin, binuhat ang Pistons kontra Sixers

Kinumpleto ni Blake Griffin ang isang three-point play may 1.8 segundo na lang ang nalalabi para ibigay sa Detroit Pistons ang 133-132 over time win laban sa Philadelphia 76ers sa NBA.

Dahil din sa game-winning lay-up at plus 1 naitala ng mabagsik na slam dunking forward ang career-high na 50 points. May 14 rebounds at 6 assists din si Griffin.

Ito ang ikalawang sunod na panalo ng Detroit sa liga.


Nasayang naman ang 33 points, 11 rebounds at 7 assists si Joel Embiid para sa Sixers.

Sa ibang laro, tinalo ng Denver Nuggets ang Sacramento Kings, 126-112 habang pinataob naman ng New Orleans Pelicans ang Los Angeles Clippers, 116-109.

Facebook Comments