NBA | Boston Celtics, pinayuko ng New York Knicks

NBA – Minamalas pa rin ang Boston Celtics matapos na malasap ang ikalawang sunod na talo kontra New York Knicks, 93-102.

Kahapon, matatandaang tinalo rin ng Miami Heat ang Celtics.

Nanguna naman sa panalo ng Knicks si Michael Beasly na kumamada ng 28 points.


Hindi naman nakalaro sa panig ng Celtics ang starter na si Jaylen Brown dahil sa kanyang Left Achilles Tendon Soreness.

Nabaliwala rin ang 32 points ni Kyrie Irving.

Sa kabuuan mayroon ng 26-9 na record ang Celtics habang ito naman ang ika-17 panalo ng New York.

Facebook Comments