NBA | Boston Celtics tinambakan ang Philadelphia 76ers sa opening game ng kanilang 2nd round match up sa NBA Playoffs.

Boston – Hindi pinaporma ng Boston ang Philadelphia sa opening game ng kanilang second round match up sa Eastern Conference playoffs ng NBA.

Tinambakan ng Celtics ang 76ers, 117-101 para makuha ang maagang 1-0 na lamang sa kanilang best-of-seven series.

Umiskor ng 29 points, 8 rebounds at 6 assists si Terry Rozier para dalhin ang Celtics sa panalo.


Nag ambag naman si Jayson Tatum ng 28 points habang may 26 naman si Al Horford.

May 31 points naman si Joel Embiid para sa Philadelphia.

Facebook Comments