NBA | Boston Celtics, wagi kontra Denver Nuggets, 123-118

NBA | Bumabawi ng panalo ang Boston Celtics matapos talunin ang Denver Nuggets, 123-118.

Pinangunahan ng nagbabalik hardcourt na si Kyrie Irving ang laro sa kanyang 33 points.

Dinagdagan pa ito ng 26 points ni Jaylen Brown habang kumamada naman ng 17 points si Aron Baynes.


Hindi umubra laban ang 36 points ni Garry Harris para masundan ng isa pang panalo ang Nuggets.

Nasa top spot pa rin ng eastern conference ang Celtics bitbit ang 24-6 win loss record.

Sunod nitong makakaharap ang Utah Jazz habang makikipagbuno naman ang Nuggets sa New Orleans Pelicans.

Facebook Comments