Nahirapan bagong tuluyang naipanalo ng Boston Celtics ang laro kontra Toronto Raptors sa pamamagitan ng overtime game, 123-116.
Binuhat ni Kyrie Irving ang Celtics sa huling sandali hanggang sa overtime.
Sa kabuuan naitala niya ang season-high na 43 big points kung saan nagawa niyang maipasok ang 17 puntos sa huling walong minuto ng fourth quarter.
Para sa kanyang teammate na si Gordon Hayward, “napa-wow” na lamang daw siya at nagmistulang isang fan sa all-around game ni Irving.
Maging ang crowd sa Boston ay walang humpay sa hiyawan habang ang Raptors ay nabigong tapatan sa pananalasa ni Irving.
Siya ang unang player na nakagawa ng ganito ngayong taon at una ring Celtics player mula taong 2001 sa panahon ni Antoine Walker.
Kasabay nito, nalampasan din ni Irving ang 10,000 points at 2,500 assists milestones.