NBA | Bucks pinahiya ang Warriors, 134-111 sa mismong teritoryo ng defending champions

200

Pinalasap ng Milwaukee Bucks ang 134-111 na paglampaso sa defending champion Golden State Warriors sa Oracle Arena.

Ito ang ikalawang pagkatalo ng Warriors sa kanilang home court.

May game high 26 points si Eric Bledsoe para pangunahan ang Bucks sa impresibong panalo laban sa Warriors.

May 24 points naman si Klay Thompson para sa Warriors na hindi nakaporma sa magandang laro ng Milwaukee.

Samantala, bumangon ang Boston Celtics sa 22 points na pagkakabaon para durugin ang Phoenix Suns, 116-109.

Umiskor ng season-high 39 points si Kyrie Irving para bitbitin ang Celtics sa upset bid ng Phoenix.

Sa Oklahoma City, nilampaso ng Thunder ang Houston Rockets, 98-80 sa unang laro ni Carmelo Anthony mula nang umalis ito sa OKC.

Facebook Comments