NBA | Butler, maglalaro muna sa Timberwolves kung hindi siya makalilipat ng ibang koponan

Minnesota – Tiniyak ni Jimmy Butler na wala siyang plano na hindi maglaro sa opening night ng bagong season ng NBA sa October 17.

Ayon sa star swingman, kung sakaling hindi pa rin siya makalipat ng ibang team sa pagbubukas ng 2018-2019 season ay maglalaro siya sa Minnesota Timberwolves kung maayos ang kaniyang kalusugan.

Una nang hiniling ni Butler na i-trade siya ng Minnesota ilang linggo bago magbukas ang bagong season.


Dahil dito unang pumutok ang mga balita na mapupunta sa Miami Heat si Butler. Pero hanggang ngayon ay walang katiyakan pa rin sa usapan.

Masyado raw malaki ang hinihingi ng kampo ni Butler.

Sa kabila nito, malinaw ang nais ni Glen Taylor, team owner ng Timberwolves, na palayasin sa koponan si Butler matapos nitong hilingin na pakawalan siya ng Minnesota.

Facebook Comments