NBA | Carmelo Anthony pinakawalan na ng Oklahoma City Thunder

NBA – Pumayag na ang Oklahoma City Thunder na pakawalan ang forward at All-Star Carmelo Anthony na makaalis sa koponan.

Ipapadala ng Thunder si Anthony at isang protected 2022 first-round pick sa Atlanta Hawks kapalit nina point guard Dennis Schroder at Mike Muscala.

Pero ayon sa mga ulat, iwe-waive naman si Anthony ng Hawks.


Kung ganito nga ang mangyayari, magiging free-agent si Anthony at malaya na itong makapunta sa team na gusto niya.
Kahit may ibubuga pa, hindi naging masaya si Anthony sa Thunder. Nasapawan na ito kasi nang husto ni dating league MVP Russell Westbrook at ni Paul George.

Inaasahan na sa Houston Rockets maglalaro sa darating na season si Anthony.

Ito kasi ang koponan na nais niyang lipatan at maging si Chris Paul ang naglobby pa sa front office para kunin si Anthony.

Facebook Comments