NBA | Carmelo Anthony, pormal nang lumagda ng kontrata sa Houston Rockets

NBA – Pormal nang lumagda ng kontrata sa Houston Rockets si Carmelo Anthony.

Sinasabing nagkakahalaga ng $2.4-milyon ang naturang kasunduan, na tatagal ng isang taon.

Binati din mismo ni Rockets General Manager Daryl Morey si Anthony dahil sa pagiging miyembro nito ng kanilang koponan.


Natanggap din ni Anthony ang nalalabing $25.4-milyon sa orihinal nitong 2018-19 salary sa Atlanta Hawks.

Matatandaang unang napunta sa Hawks ang 10-time all-star matapos itong i-trade ng Oklahoma City Thunder noong nakaraang buwan.

Facebook Comments