NBA | Cavaliers at Spurs, panalo sa kani-kanilang laban

Sports – Nakasungkit ng buwena manong panalo sa 2018 ang Cleveland matapos tamabakan ang Portland Trailblazers sa score 127-110.
Inabangan din ng mga fans ng Cleveland ang bago nilang hugot na player na si Isaiah Thomas kung saan nakakuha ito sa laro ng 17-points habang 24-points naman ang kay Lebron James.
Matatandaan na hindi nakapaglaro si Thomas dahil sa injury sa kanyang baywang, ilang buwan bago siya mai-trade sa Cavs.
Dahil sa panalo, gumadanda ang kartada ng Cleveland sa 25-12 win /loos record.
Tinalo naman ng San Antonio Spurs ang New York Knicks sa score na 100-91 kung saan 29-points ang nakuha ni La Marcus Aldridge habang 25-points naman ang nai-ambag ni Kawhi Leonard.

Facebook Comments