NBA | Celtics tinambakan ang Philadelphia 76ers; 105-87

Kahit off night ng kanilang star pointguard, nagawa pa ring tambakan ng Boston Celtics ang Philadelphia 76ers, 105-87 sa pagbubukas ng bagong season ng National Basketball Association (NBA).

Umiskor si Jayson Tatum ng 23 points habang may 16 naman si Marcus Morris para mapunan ang miserableng 2 of 14 shooting ni Kyrie Irving.

May 10 points naman si Gordon Hayward na nakapaglaro sa ikalawang game pa lang niya sa Celtics.


Matatandaan na nagtamo ng matinding injury si Hayward sa opening game ng nakaraang season at ngayon lang ito ulit nakapaglaro.

Pinangunahan naman ni Joel Embiid ang Sixers sa kaniyang 23 points at 10 rebounds habang may 19 points at 15 boards si Ben Simmons.

Facebook Comments