NBA – Kung si LeBron James ay papunta sa Los Angeles Lakers, stay put naman si Chris Paul sa Houston Rockets.
Nagkasundo na kasi si Paul at ng Houston sa apat na taon na kontrata na nagkakahalaga ng $160M.
Kahit hindi nakaapak sa court sa maraming laro si Paul dahil sa samut-saring injury, malaki naman ang naitulong nito para makuha ng Rockets ang best record sa NBA at makarating sa Western Conference Finals.
Isang hamstring injury ang ininda ni Paul kaya hindi ito nakapaglaro sa huling dalawang laro sa western finals kung saan namayani ang Golden State Warriors.
Facebook Comments