NBA | Chris Paul, may injury pero tiniyak na maglalaro pa rin sa game 6

Houston – Muling susuruin si Chris Paul bukas para matiyak kung seryoso nga ba ang tinamo nitong hamstring injury sa game 5 ng Western Conference Finals ng NBA.

Maalalang inilabas si Paul sa huling minuto ng laro na hawak ang kanang hita nito.

Nanalo ang Houston, 98-94 para makuha ang 3-2 na lamang laban sa defending champion Golden State Warriors.


Pero kung si Paul ang tatanungin, tiniyak nito na maglalaro siya sa Game 6 sa kabila ng injury.

Isang panalo na lamang ang kailangan ng Rockets para muling makabalik sa NBA Finals pagkalipas ng mahigit dalawang dekada.

Facebook Comments