NBA – Bukas umano ang Cleveland Cavaliers na i-trade ang forward player nito na si Kevin Love.
Ayon sa ilang report, posibleng mapunta sa Portland Trail Blazers si Love o kaya ay sa Los Angeles Lakers kung saan lumipat ang dating teammate sa Cavs na si LeBron James.
Ang five-time all-star ay may natitira pang dalawang season sa kontrata niya sa Cavaliers.
Mayroon siyang average na 17.6 points at 9.3 rebounds sa loob ng 59 regular-season games nitong last season ng NBA.
Facebook Comments