NBA | Cleveland Cavaliers’ head coach Tyronn Lue, hindi na muna uupo sa bench ng koponan

Amerika – Iiwan muna pansamantala ni Tyronn Lue ang head coaching job nito
sa Cleveland Cavaliers.

Ayon kay Lue problema sa kaniyang kalusugan ang pangunahing dahilan kung
bakit niya iiwan ang Cavaliers habang nasa crucial stage na ng regular
season ang NBA.

Sabi pa ni Lue madalas sumakit ang kaniyang dibdib at hirap siyang
makatulog ng maayos kaya at uunahin na muna niya na magpagaling at
makapagpahinga.


Si Larry Drew ang pansamantalang hahalili kay Lue bilang bench strategist
ng Cavaliers.
<#m_-4687315876773058923_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>

Facebook Comments