NBA – Nagpaliwanag si Cleveland Cavaliers Guard JR Smith sa naging pagkakamali nito sa nalalabing segundo ng fourth quarter ng game 1 ng NBA finals laban sa Golden State Warriors.
Ayon kay Smith, na alam niya na tabla ang score ng mag-dribble ito patungong haft court matapos nitong makuha ang bola mula sa pagkamintis na free throw ni George Hill sa natitirang 4.6 segundo tabla 107 score.
Giit pa ni Smith aminado siya na minsan nabablangko ka at buong akala niya na mag-titimeout ang kanyang koponan.
Sinabi naman ni LeBron James, kailangan na nilang magmove on sa nangyari at hindi niya susukuan ang sinuman sa kanyang teammates.
Facebook Comments