NBA | Cleveland Cavaliers, nakatabla na sa Indiana Pacers sa Eastern Conference Playoffs

NBA – Umiskor ng 46 points at humakot ng 12 rebounds si LeBron James para pangunahan ang Cleveland Cavaliers sa 100-97 na panalo kontra Indiana Pacers sa Game 2 ng kanilang opening round series sa Eastern Conference playoffs ng NBA.

Sinamantala ng Cleveland ang foul trouble ni Victor Oladipo para maitabla ang serye sa 1-all.

Samantala…


Tabla na rin ang serye sa pagitan ng Oklahoma City Thunder at Utah Jazz.

Nalagpasan kasi ng Jazz ang 19-0 run ng Thunder sa third quarter para maitakas ang 102-95 na panalo sa mismong teritoryo ng Thunder sa game 2 kanina.

Facebook Comments