NBA | Cleveland Cavaliers pasok na sa Eastern Conference Finals ng NBA

Cleveland – Kinumpleto ng Cleveland ang kanilang pagdomina sa Toronto matapos tambakan ng Cavaliers ang Raptors, 128-93 sa Game 4 ng kanilang second round playoffs sa Eastern Conference ng NBA.

Dahil sa panalo nakuha ng Cleveland ang serye sa pamamagitan ng 4-0 sweep laban sa Raptors.

Muntik nang nakapagtala ng triple double si LeBron James sa kaniyang 29 points, 8 rebounds at 11 assists. Nag ambag naman ng 23 points si Kevin Love.


May 18 points naman si Jonas Valunciunas at may tig-kinse sina DeMar DeRozan at CJ Miles para sa Raptors.

Facebook Comments