NBA | Cleveland Cavaliers, pinaghahandaan na ang game 1 kontra Golden State Warriors

NBA – Ngayon pa lamang ay todo paghahanda na ang ginagawa ng Cleveland Cavaliers para makabawi at maagaw ang kampeonato sa Golden State Warriors.

Makakaharap ng Cavs ang Warriors sa ika-apat na pagkakataon kung saan plano nilang maitabla sa 2-2 ang championship series.

Sa tatlong beses nilang laban sa NBA finals, dalawa dito ang napanalunan ng Golden State habang isa naman ang nakuha ng Cavs.


Gagawa din ng adjustment ang Cleveland lalo pa at hindi sigurado kung makakalaro ang isa sa mga star player nito na si Kevin Love na sumasailim ngayon sa concussion protocol.

Mapapanood naman ang game 1 ng Cavs at GSW sa darating na Biyernes, alas-9:00 ng umaga sa homecourt ng Warriors.

Facebook Comments