NBA | Cleveland Cavaliers Star Kevin Love, hindi makakalaro sa game 7 kontra Boston Celtics

NBA – Hindi makakalaro sa game 7 ng eastern conference finals si Cleveland Cavaliers Star Kevin Love matapos isailalim sa concussion protocol ng kanilang koponan.

Nakaranas kasi ng concussion-like symptoms si Love kasunod ng head-to-head collision nila ng Boston Celtics Star na Si Jayson Tatum noong game 6.

Tiniyak naman ni Coach Tyronne Lue na gagawa sila ng adjustments para masiguro ang panalo ng Cavs ngayong wala ang isa sa kanilang mga star players.


Mapapanood naman ang win-or-go-home game ng Cleveland at Boston mamayang alas-8:30 ng umaga.

Facebook Comments