Amerika – Hindi pinaporma ng Cleveland Cavaliers ang Chicago Bulls sa
naging laban nila sa NBA.
Tinalo ng Cavs ang Bulls sa score na 114-109 kung saan kumamada ng triple
double si Lebron James na may 33-points, 12-rebounds at 12-assists.
Nag-ambag naman si Fil-Am Jordan Clarkson ng 19-points para tulungan ang
Cleveland na makuha ang panalo at hindi masayang ang ika-70th triple double
career ni James.
Sa ngayon nasa ikatlong pwesto sa team standings ang Cavs hawak ang 40-29
win/loss record.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>
Facebook Comments