NBA | Clippers, lusot sa Spurs; Rockets tinusta ang Warriors

Sumandal ang Los Angeles Clippers sa mga clutch play ni Lou Williams para talunin ang San Antonio Spurs, 116-111 sa NBA.

Umiskor ng 23 points off the bench si Williams para pangunahan ang Clippers sa morale-boosting win laban sa Spurs.

Nag-ambag naman ng 19 points si Danilo Galinari.


May game-high 34 points naman si DeMar DeRozan para sa Antonio.

Samantala sa Toyota Center, pinahiya ng Houston Rockets ang bumibisitang Golden State Warriors, 107-86 para muling mapansin sa highly-competitive Western Conference.

Nagawa ito ng Rockets kahit binitiwan na nila si Carmelo Anthony.
Dahil sa panalo, umakyat sa 7-7 win loss card ang Houston. Si James Harden ang top scorer sa Rockets sa kaniyang 27 points.

Bumagsak naman sa 12-4 card ang Dubs na talagang ininda ang kawalan ni Stephen Curry sa lineup dahil sa hamstring injury.

Facebook Comments