NBA | Defending champion Golden State Warriors nilampaso ang New York Knicks

44

Nagpasabog ng 25 points sa 4th quarter si Kevin Durant para bitbitin ang defending champion Golden State Warriors sa pagtambak sa New York Knicks, 128-100 sa Madison Square Garden.

Lamang ang Knicks patungo sa fourth quarter pero nag-init din si Stephen Curry mula sa tres para tambakan ang New York.

Tinapos ni Durant ang laro na may game-high 41 points habang may 29 points naman si Stephen Curry. Nag-ambag naman ng 19 points si Draymond Green.

Nagtala naman ng kasaysayan si Curry bilang ikalawang player sa kasaysayan ng NBA na may at least limang three-pointer sa anim na sunod na laro.

Pinangunahan naman ni Tim Hardaway Jr. ang New York sa kaniyang 24 points.

Unang nagawa ito ni George McCloud noong 1996.

Facebook Comments