NBA | Defending champion GSW, pinadapa ang OKC, 108-100

Tumira ng mga crucial basket sina Stephen Curry at Kevin Durant sa end game para maitakas ng defending champion Golden State Warriors ang 108-100 na panala kontra Oklahoma City Thunder sa opening ng bagong NBA season.

Kahit wala ang injured na si Russell Westbrook, nagawa ng Thunder na sabayan ang Warriors hanggang sa huling dalawang minuto ng laro.

Pero nakumpleto ni Curry ang isang three-point play bago sinelyuhan ni Durant ang panalo sa kaniyang short jumper.


Lamang ang Warriors pagpasok sa third quarter pero nag-init si Paul George para bigyan ng magandang laban ng OKC ang Golden State.

Umiskor si Curry ng 32 points para sa Warriors habang may 28 naman si Durant.

May 27 points naman si Paul George para sa Thunder.

Facebook Comments