NBA | Demar Derozan, aminadong hindi pa din maka-move on matapos i-trade ng Toronto Raptors sa San Antonio Spurs

Manila, Philippines – Aminado ngayon si Demar Derozan na hindi pa din siya maka-move on matapos siyang i-trade ng Toronto raptors sa San Antonio Spurs.

Sa naging interview kay Derozan, na-shock siya ng mabalitang itinirade na siya sa Spurs kung saan nais sana niyang maging miyembro ng Raptors habang buhay.

Nabatid kasi na noong July 2016 ay pumirma ng five-year $139 deal si Derozan sa Toronto pero napag-desisyunan ng Raptors na siya ang ipalit sa kinuha nilang player sa San Antonio na si Kawhi Leonard.


Magkaganoon pa man, sinabi pa ni Derozan na excited na siyang makasama si Spurs Coach Gregg Popovich lalo na at malaki ang respeto niya dito kung saan pag-aaralan na daw niyang mabago ang pang-araw araw na takbo ng buhay sa San Antonio.

Facebook Comments