NBA – Nasungkit ng Denver Nuggets ang ikatlong sunod na panalo matapos na talunin ang Charlotte Hornets sa naging laban nila sa NBA.
Tinambakan ng Nuggets ang Hornets sa score na 121-104 kung saan nanguna sa panalo ng Denver si Gary Harris na may 27-points.
Dahil sa panalo, hawak ngayon ng Denver ang 29-25 win-loss record at kasalukuyan silang nasa pang-anim na pwesto sa team standing ng western conference.
Samantala, tinalo namang Washingtong Wizards ang Indiana Pacers sa score na 111-102.
Naka-iskor ng 21-points si Bradley Beal dahilan para makuha ng Wizards ang kanilang fifth consecutive win kahit pa wala ang kanilang star player na si John Wall dahil sa injury nito sa kaliwang tuhod.
Facebook Comments