NBA | Denver Nuggets ipinalasap ang unang talo sa Golden State Warriors

Sinupalpal ni Juancho Hernangomez ang game-tying na tira ni Damian Jones sa ilalim ng basket para ibigay sa Denver Nuggets ang 100-98 na panalo kontra sa defending champion Golden State Warriors sa NBA.

Nakuha ng Nuggets ang lamang sa dalawang free throws ni Jamal Murray sa huling walong segundo ng laro matapos ang big comeback ng Warriors.

Pero hindi nakumpleto ng Warriors ang pagbangon dahil sa kabayanihan ni Hernangomez sa buzzer.


Umiskor ng 28 points si Garry Harris pra sa Denver habang may 23 naman si Nikola Dokic. Nag-ambag naman ng 8 points si Hernangomez.

May 30 points si Stephen Curry at 20 markers naman si Kevin Durant pero hindi naging sapat ang mga ito para maiwasan na malasap ng Warriors ang kanilang unang talo sa season.

Samantala, panalo rin ang Sacramento Kings kontra Oklahoma City Thunder, 131-120.

Ito ang ikatlong sunod na talo ng Thunder sa kabila ng season debut ng kanilang star player na si Russell Westbrook.

Facebook Comments