NBA | Denver Nuggets, pinatumba ang Golden State Warriors

Sports – Inilampaso ng Denver Nuggets ang nangungunang Golden State Warriors sa iskor na 96-81.

Tagumpay ang Nuggets na putulin ang 11-game winning streak ng warriors na maituturing bilang kanilang pinakamahinang performance sa buong season ng NBA.

Pinangunahan ni Garry Harris ang denver sa naitala niyang 19 points habang kapwa may tig-15 points sina Wilson Chandler at Trey Lyles.


Samantala, si Kevin Durant naman na may 5 three-point attempts na sumablay ang nanguna sa Warriors sa naitala niyang 18 points.

Facebook Comments