NBA | DeRozan, bumida sa panalo ng Spurs kontra Mavericks

Dinala ni DeMar DeRozan ang San Antonio Spurs para sa 113-108 overtime win kontra Dallas Mavericks sa NBA.

Nabigong ibigay ang panalo matapos magmintis sa buzzer sa regulation, tiniyak ni DeRozan na mananaig pa rin sa extra period ang Spurs.

Umiskor ng four points, nakaagaw ng bola at kumalawit ng isang crucial rebound sa last two minutes ng overtime si DeRozan para makabawi sa dalawang sablay na tira nito sa huling sampung segundo ng regulation.


Tinapos ni DeRozan ang laro na may 34 points, nine assists at six rebounds. Nag-ambag naman ng 20 points si LaMarcus Aldridge para sa Spurs.

Nasayang naman ang 31 points ni Luka Doncic para sa Mavericks at ang 22 markers din ni Dennis Smith Jr.

Facebook Comments