Minnesota – May asim pa si Derrick Rose!
Umiskor kasi ng career-high 50 points ang dating league MVP at sinupalpal ang posibleng game-tying three pointer para maitakas ng Minnesota Timberwolves ang 128-125 na panalo kontra Utah Jazz sa NBA.
Ito ang unang 50 point game ni Rose mula nang pumasok siya sa liga noong 2008 bilang top pick ng Chicago Bulls at unang 40 plus game mula nang makuha niya ang MVP award noong 2011 season.
Hindi biro kasi ang pinagdaanan ni Rose bago ang kaniyang 50-point explosion para sa T-Wolves.
Samut-saring knee injury at mga operasyon ang tinamo at binuno nito na naging dahilan para magpalipat-lipat siya ng koponan.
Naging emosyonal si Rose pagkatapos ng laro at inamin nitong hindi nia niya inaasahan na makakagawa pa siya ng career high sa edad na 30 anyos.