NBA | Detroit Pistons tinambakan ang Boston Celtics

NBA – Wagi ang Detroit Pistons matapos tambakan sa sampung puntos ang eastern conference top team na Boston Celtics sa nagpapatuloy na NBA season.

Tinapos ng Pistons ang laro sa iskor na 118-108 kung saan bumida sa panalo si Tobias Harris na kumamada ng 31 points.

Dinagdagan ito ng 26 points ni Andre Drummond habang 20 points naman ni Reggie Jackson.


Pinangunahan naman ng 21 points ni Marcus Smart ang Celtics.

Sa kabila ng talo, hawak pa rin ng Boston Celtics ang trono sa top spot ng eastern conference bitbit ang 18-4 win/ loss record.

Facebook Comments