NBA | Durant, pinangunahan ang pagkapanalo ng Warriors kontra Mavericks

Sports – Umariba ng 36 points at 11 rebounds si Kevin Durant para pangunahan ang panalo ng Golden State Warriors kontra Dallas Mavericks, 112-97.

Nag-ambag din ng 25 points si Klay Thompson para makuha ng Warriors ang kanilang eight-straight win.

Nanguna naman sa Mavericks si Dirk Nowitzki sa kanyang 18 points.


Samantala, patuloy sa pagbawi ang New York Knicks matapos patumbahin ang Brooklyn Nets, 111-104.

Lalo namang nalubog sa kulelat na puwesto sa Eastern Conference ang Atlanta Hawks matapos na talunin ng Detroit Pistons, 105-91.

Susubukang makabawi ng Atlanta sa sunod nilang laban kontra Memphis Grizzlies.

Facebook Comments