NBA | Dwayne Wade, umani ng papuri sa ipinakita nitong laro kontra Philadelphia 76ers; 113-103

Amerika – Kabi-kabilang papuri ang natatanggap ngayon ng NBA veteran na si Dwayne Wade.

Ito ay matapos ang kaniyang naging performance sa kontra Philadelphia 76ers sa game 2 ng NBA playoffs kung saan nanalo sila sa score na 113-103.

Umani ng mga papuri sa kanyang coach at mga teammates si Wade na kumamada ng 28-points dahilan upang maitabla ng Miami ang serye sa 1-1 laban sa Sixers.


Kumpiyansa naman ang Heat na matatalo nila ang Sixers dahil ang game 3 at game 4 ay gagawin na sa kanilang homecourt simula sa Biyernes.

Facebook Comments