NBA | Dwight Howard, ipinagpalit na ng Charlotte Hornets sa Brooklyn Nets

NBA – Tuluyan nang binitawan ng Charlotte Hornets ang isa sa kanilang mga big man na si Dwight Howard.

Nabatid na pumayag ang Hornets sa isang trade sa pagitan ng Brooklyn Nets kung saan kapalit niya si Timofey Mozgov, at dalawang second-round picks.

Bukod sa mga nasabing players, tatanggap din ng pera ang Charlotte dahil kasama ito sa buyout contract ni Howard.


Ito na ang ika-anim na team ni Howard matapos itong ma-draft ng Orlando Magic noong 2012.

Facebook Comments