Tikom pa rin ang bibig ni NBA superstar Dwyane Wade tungkol sa magiging takbo ng kanyang basketball career.
Sabi ni Wade, “Time will tell” o panahon na raw ang magsasabi kung ipagpapatuloy pa niya ang kanyang karera sa NBA, sa labas ng Estados Unidos o kung tuluyan na siyang mareretiro.
Malaking factor aniya sa magiging desisyon niya ang kanyang pamilya.
Matatandaang inalok ng Chinese Basketball Club na Zhejiang Golden Bulls si Wade ng tatlong taong kontrata sa halagang 25-Million Dollars o mahigit P1.3-billion.
Bukod dito, may alok din umanong “Monster deal” sa kanya ang Xinjiang Flying Tigers.
Matiyaga naman daw hihintayin ni Miami Heat President Pat Riley ang magiging desisyon ni Wade.
Facebook Comments