NBA | Fil-Am Jordan Clarkson, naghahanda na sa nalalapit na playoffs

Amerika – Todo paghahanda na ang ginagawa ngayon ng Fil-Am na si Jordan Clarkson ng Cleveland Cavaliers para sa darating na NBA playoffs.

Ito kasi ang unang beses na sasabak sa playoffs si Clarkson sa simula ng anyang karera sa NBA.

Ayon kay Clarkson, bagama’t sabik na raw siya sa playoffs, kanyang kinokondisyon ang kanyang isip at pinapanatili ang pokus sa paglalaro ng basketball.


Matatandaan na kasama ng 6-foot-5 na si Clarkson, si Larry Nance Jr. na nai-trade ng Los Angeles Lakers papuntang Cleveland ngayong taon bilang kapalit ni Isaiah Thomas, Channing Frye at 2018 first-round draft pick.

Facebook Comments