NBA | Floater ni Caris LeVert nagpanalo sa Brooklyn Nets laban sa Denver Nuggets!

19

Naisalpak ni Caris LeVert ang floater nito sa buzzer para sorpresahin ng Brooklyn Nets ang Denver Nuggets, 112-110 sa NBA.

May team high 23 points si D’Angelo Russel para pangunahan ang Nets kontra sa paboritong Nuggets.

Umiskor naman si Nikola Jokic ng 37 points na may kasama pang 21 rebounds para sa Nuggets.

Sa ibang laro, tinumba ng Indiana Pacers ang Miami Heat, 110-102 sa 22 points at 10 assists ni Victor Oladipo.

Sa Florida, nagtambal sina Nikola Vucevic at Aaron Gordon para iangat ang Orlando Magic laban sa Washington Wizards, 117-108.

May 21 si Vucevic habang nag-ambag naman ng 20 markers si Gordon para sa home win.

Facebook Comments