NBA | Golden State Warriors, 2-0 na kontra New Orleans Pelicans.

Oakland – Naging maganda ang pagbabalik sa hardcourt ni Stephen Curry matapos ang halos dalawang buwan sa injury list.

Umiskor si Curry ng 28 points na may kasama pang pitong rebounds para tulungan ang Warriors sa 121-116 na panalo laban sa New Orleans Pelicans.

Apat na Warriors ang umiskor sa double figures kasama ang game high 29 points ni Kevin Durant para umangat ang Golden State sa 2-0 na abante sa kanilang best of seven series laban sa Pelicans.


May 25 points naman si Anthony Davis para sa New Orleans habang may 24 naman si Jrue Holiday.

Facebook Comments