NBA | Golden State Warriors, muling nagkampeon matapos walisin ang Cleveland Cavaliers, 108-85

NBA – Dinurog ng Golden State Warriors ang Cleveland, 108-84 sa game 4 para makumpleto ang 4-0 sweep kontra Cavaliers at muling tanggaling kampeon sa NBA.

Abante lamang ng siyam na puntos sa pagtatapos ng first half, 61-52 pero gaya ng inaaasahan muling pumutok ang opensa ng Warriors sa third quarter para matiyak na agad ang resulta ng laro.

Bukod sa opensa, naging matikas din ang depensa ng Warriors laban sa walang kabuhay-buhay na laro ng Cavaliers.


Natapos ang third quarter na lamang ng 21 ang Warriors, 86-65.

Pinangunahan ni Stephen Curry ang Warriors sa kaniyang 37 points habang may 20 markers naman si Kevin Durant.

May 23 points naman si James para sa Cavaliers.

Ito ang ikatlong kampeonato ng Warriors sa huling apat na season ng liga.

Facebook Comments