NBA – Naitabla ng Golden State Warriors ang standing nila ng Houston Rockets sa NBA western conference finals.
Sa iskor na 115-86, nilamon ng Warriors ang Rockets sa game 6 kung saan nagpakawala ng 35 points si Klay Thompson.
Dinagdagan pa ito ng 29 points ni Stephen Curry para tuluyang ilubog ang Rockets.
Hindi naman umubra ang 32-points ni James Harden para sa Rockets.
Sa Martes, May 29 muling maghaharap sa game 7 ang dalawang koponan.
Sa Lunes naman maghaharap sa game 7 ang Boston Celtics at Cleveland Cavaliers.
Itinuturing itong makasaysayan ng NBA dahil 1979 season pa nang huling umabot sa game 7 ang finals ng parehong eastern at western conference.
Facebook Comments