NBA | Golden State Warriors – nananatiling paborito na magkampeon sa NBA Finals

Paborito pa rin na magkampeon sa NBA Finals ang Golden State Warriors sa pang-apat na beses na paghaharap nila ng Cleveland Cavaliers.

Sa inilabas na survey ng mga basketball analyst, marami ang pumabor na makukuha ng Warriors ang kampeonato ngayon season.

Nangunguna naman si Stephen Curry na makuha ang Finals Most Valuable Player na sinundan ni Kevin Durant at pumangatlo si Lebron James.


Magugunitang nakuha ni Durant ang Finals MVP noong 2017 habang noong 2016 ay si James at 2015 MVP Finals ay Andre Iguodala.

Magsisimula ang game 1 ng Warriors at Cavs para sa NBA Finals sa Biyernes, Hunyo a-uno alas-9 ng umaga, oras sa Pilipinas.

Facebook Comments