NBA | Golden State Warriors, nilampaso ang Portland Trail Blazers, 111-104

Manila, Philippines – Sumandal ang defending champion Golden State Warriors sa big run nila sa second quarter para sa 111-104 na panalo kontra sa Portland Trail Blazers sa NBA.

Kahit hindi nakapaglaro si Stephen Curry dahil sa injury at nawala sa court si Nick Young dahil naman sa concussion, gumawa naman ng 28 points si Kevin Durant para pangunahan ang Warriors sa kanilang ika-dalawamput-dalawang panalo kontra sa anim na talo.

Nasayang naman ang game-high 39 points ni Damian Lillard para sa Portland.


Facebook Comments