Houston – Pinulbos ng defending champion Golden State Warriors ang Houston Rockets, 119-106 sa game 1 ng Western Conference Finals ng NBA.
Umiskor ng 37 points si Kevin Durant habang may 28 points naman si Klay Thompson para pangunahan ang Warriors sa pagdomina sa Rockets sa kanilang teritoryo.
Nasayang naman ang 41 points ni James Harden para sa Rockets. Nag ambag naman ng 23 markers si Chris Paul.
Dahil sa panalo, nasa Warriors na ngayon ang home court advantage sa serye.
Facebook Comments