NBA | Golden State Warriors Star Stephen Curry, hindi daw hangad maging finals MVP

NBA – Hindi daw nababahala ngayon si Golden State Warriors Star Stephen Curry kung sakaling hindi tanghaling finals MVP ngayong season.

Hawak ngayon ni Curry ang pagiging two-time regular-season MVP pero kailanman ay hindi pa ito nagagawaran ng finals MVP award.

Ayon kay Curry, mas pagtutuunan niya ng pansin ang pagdepensa sa kanilang titulo kontra sa karibal nilang Cleveland Cavaliers.


Tanggap rin daw ni Curry ang mga ibinabatong batikos sa kanya hinggil dito kung sana itinuturing niya ito bilang challenge para sa kaniya.

Nabatid kasi na karamihan sa mga all-time greats na nagdala sa kanilang mga koponan patungo sa championship ay ginawaran ng finals MVP trophy.

Facebook Comments