Amerika – Hindi pa din makakalaro sa first round ng NBA playoffs si Golden State Warriors star Stephen Curry.
Ayon kay Warriors Coach Steve Kerr, posibleng sa second round na lamang maglaro si Curry dahil isasailalim pa din siya sa evaluation sa susunod na araw para masigurong magaling na ang natamo nitong mcl injury.
Dagdag pa ni Kerr, nagagawa naman makapag-practice ni Curry pero ayaw niyang isugal ang sitwasyon nito sa laban nila kontra San Antonio Spurs lalo pa at angat naman sila sa serye na 3-1.
Kung sakaling matapos ang laban sa Spurs, aasahan ni Kerr na malaki ang mai-aambag ni Curry sa second round kung saan makakaharap nila ang New Orleans Pelicans.
Facebook Comments